o? ano?
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

March 13th, 2005

counter...
POSTED AT 06:57 PM

 

 

 

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com


February 11th, 2006

tanging ina
POSTED AT 07:05 PM

Ilang taon na rin ang nakakalipas nang maghiwalay ang mga magulang ko. Tanggap ko na pero minsan hindi ko pa rin maiwasan malungkot kasi namimiss ko ang nanay ko.

May madrasta na ko at alam ko mabait naman siya at nakakasundo. Pero iba pa rin ang pagmamahal ng isang tunay na ina. Hinahanap hanap ko pa rin siya. Iba pa rin ang kanyang pagaasikaso samin. Iba ang pa rin ang mga tawanan namin at kulitan namin. Nakakamiss ang mga gabing nasa tabi ko siya at siya ang kayakap ko. Close kase kami ni mami eh, mommy's girl kase ako. Kahit nakakasama ko mami ko palagi, nakakamiss pa rin yung and2 sha sa bahay at kung pano niya ko alagaan.

 At kahit anong mangyari walang sino man ang makakahigit sa pagmamahal na binigay sakin ng tunay kong ina

Currently feeling: naiiyak.. nyak


February 9th, 2006

Hi-tech na!
POSTED AT 11:08 AM

Ang hi-tech na ng mundo ngayon. Ang dami na ang nagbago. Manuod ka nga lang tv, ang dami mo ng makikita magagandang produkto na inaadvertise sa mga komersyal.

Ang dating betamax ay naging vhs. Laos na ang vhs nang dumadating si vcd... meron pa rin vcd pero ang uso ngayon ay dvd. Ang dating naming koleksyon ng vhs ay nabasura na ng mangolekta na lang kame ng mga dvd...

Ang cellular phone nuon ay parang cordless telephone sa sobrang kapal at malaki, yung analog phone kase ang ginagamit dati. Pero nung dumating ang gsm phones, maraming tao ang gustong magkaraon nung unang model na 5110. Libo pa ang halaga ng 5110 nuon... pero ngayon makakabili ka nito sa halagang 250pesos na lang. Lumabas na kase ang mga bago at tuluyan ng nakakalimutan ang mga lumang models. Ang dating pangtawag at pang text na cellphone ay nilagyan na ng camera, radio, recorder video at kung ano ano pa. Siguro tv na ang susunod nilang ilalagay. At paliitan at panipisan na ang mga cellphone ngayon at magaan pa. Hindi na nga umaabot ang mouthpiece nito sa bibig natin sa sbrang liit.

Ang simpleng walkman na may recorder at tape ay laos na nung dumating na rin ang discman. Pero ang uso ngayon ay ung napaka nipis na Ipod nanu o kung ano ano pang mga mp3 o mp4 players. Hindi lang basta basta mp3 player, may video pa. Nakakamangha isipin na pwdeng mag lagay ng mahigit 500 songs dun sa napakanipis na ipod nanu.

Ang dating family computer at gameboy na black and white (ung makapal) ay nawala na nang umusbong ang playstation at gameboy color... Pero iba na ang ginagamit ngayon, PSP, Playstation 3, o ung mga nitendo dx at ung Xbox... at marami pa...hitech din to dahil cd na ang bala nila....

O ano? iilan lang yan sa mga bagay nahitech na. hitech na talaga ang mundo ngayon.

Sa mga nakamamanghang tecknolohiya ay patuloy natin inaasam ang mga makabagong at hi-tech na produkto na to. Humihiling na magkakaron din tayo ng bago at mapapalitan na ang mga laos o luma. Pinipilit natin ang ating mga magulang na palitan ang luma nating 7610 ng bagong N90 o ang ating discman at kung ano2 pa ang pinapabili natin. At kung hindi natin to nakuha, magagalit tayo o magtatampo... ung iba parang binagsakan ng mundo. At ung iba naman parang hindi mabubuhay kung wala sila ng mga ito.

Sana maisip natin na maswerte pa rin tayo kesa sa mga ibang tao. Yung iba walang cellphone, pang load nga walang pangbili cellphone pa kaya.... Wala manlang silang family computer, vcd o dvd dahil kahit tv wala sila. Nattyaga na lang silang makinuod sa mga kapitbahay. Hanggang pakikinig na lang ang radio ang kaya nila dahil kahit walkman hindi nla kayang bilhin. Pero kahit wala silang mga hitech na bgay na yan, nakukuha nila maging masaya. Kuntento sila kung anong meron sila. Bakit kelangan maging kumplikado ang buhay natin? Dati naman nabubuhay tayo ng simple lang. Sana nalang ay magpasalamat na lang tayo kung anong meron tayo.

<em>"sometimes we wish too much that we forget to appreciate what we have"</em>


January 28th, 2006

stay
POSTED AT 12:25 PM

kase kahit ano pang mangyari... andto lang ako! i will stay as long as i want to. We might go our sepearate ways but i do believe that wherever our roads might take us, our paths will cross and still end up together. I dont care how long but im really willing to wait for you... i know that love will find its way back home.

Kahit anong mangyari basta andto lang ako... i love you 


January 20th, 2006

unleashed
POSTED AT 11:03 PM

 atlast... i was able to get out of our jail... hahaha... joke! parang kulungan kase tong bahay namin eh... i miss my freedom so much!!! ung tipong hindi ka na kelangan magpaalam, ipapaalam mo nalang! eh iba na talaga ung buhay ngayon, im living with my dad already...di ako maka gimik at makapagdate! grr...

 anyway, i was at manila a while ago... i saw my ex schoolmates. nagulat cla kse laki daw ng pinayat ko e. tapos magkakasama na naman kame nila bel at sybil... reunion! hahahaha...

 after non fud3p naman kame ni "bk" sa kenny rogers... d ko na nga naubos ung food ko sa sobrang dami eh.... kainis nga hindi kame nakapagdate ng matagal kase kelangan ko ng umuwi sa bilangguan ko at magaalburuto pa tatay ko... ahahahaha!!!

 un lang naman..

Currently listening to: tv
Currently feeling: masaya!!!


« Newer · »

kaeps
your name:

url:

your message: