February 11th, 2006
tanging ina POSTED AT 07:05 PM Ilang taon na rin ang nakakalipas nang maghiwalay ang mga magulang ko. Tanggap ko na pero minsan hindi ko pa rin maiwasan malungkot kasi namimiss ko ang nanay ko. May madrasta na ko at alam ko mabait naman siya at nakakasundo. Pero iba pa rin ang pagmamahal ng isang tunay na ina. Hinahanap hanap ko pa rin siya. Iba pa rin ang kanyang pagaasikaso samin. Iba ang pa rin ang mga tawanan namin at kulitan namin. Nakakamiss ang mga gabing nasa tabi ko siya at siya ang kayakap ko. Close kase kami ni mami eh, mommy's girl kase ako. Kahit nakakasama ko mami ko palagi, nakakamiss pa rin yung and2 sha sa bahay at kung pano niya ko alagaan. At kahit anong mangyari walang sino man ang makakahigit sa pagmamahal na binigay sakin ng tunay kong ina 1 somethings
|
|


