o? ano?
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

drama dude

Alam kong walang "u and me", kahit na minsan parang meron, pero malabo... napaka complicated talaga ng buhay natin no? Alala mo pa ba, nong nagkasakit ka at ako tinawag mo, ang saya ko kasi ako hinanap mo pero mas lalo akong hinimatay sa saya nong bigla at pabulong mong sinabi sa akin na "i love you", kung alam mo lang ang saya-saya ko nung araw na yun, di nga ako nakatulog nung gabing yun dahil sa kakaisip kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng nangyari. Kala mo siguro hindi ko narunig no? I heard u, pa as-if lang ako na hindi kita narinig....kasi alam ko na wala tayong patutunguhan e...

Sabi mo sa akin, maghintay ako sa 'yo, wag akong mawalan ng pag-asa, wag akong bibitaw. Tanong ko lang....hanggang kailan ba ako maghintay? Hanggang pumuti ba ang buhok ko? Sana wag naman... tao lang din po ako, naghahanap ng tunay na kalinga....*sigh*... Iniisip ko lang kung wala sya, baka tayo na? Siguro nga 4ever na ako mabubuhay sa "SANA" at "BAKA"...

Noong umuwi yung "someone" mo, alala mo pa ba yung sinabi mo sa akin na di muna tayo masyado magco-communicate kasi dumating sya and "hope i understand"... Alala mo pa ba sabi ko pa nga sa 'yo, "Talaga? I'm so happy for u...." Ngumingiti-ngiti pa nga ako e, parang clown. Sa totoo lang, daig ko pa si Sharon Cuneta doon sa pagka-best actress! If only u stayed a while longer, nakita mo sana kung pano pumapatak ang mga luha ko, malaki pa sa butil ng bigas, hehehe...huhuhu... Iiyak ba ko o tatawa? *sigh*

Sabi ko sa sarili ko nung una, kaya ko 'to, titiisin ko... mahal kita e... pero nong magkasama kayo ng "justine" mo, nalaman ko, "wow, ganito pala kasakit, di ko pala kaya..." So heto na naman ako, pang famas na talaga, cry to the death na at take note almost every night pa... pa-tanong-tanong pa kay God, pa-swear-swear pa to never love again... pati nga ako nainis na sa kadramahan ko eh. Kinabukasan, nagtext ka lang sa akin at *sigh*...nawala lahat ng mga resolutions kong yun, back to square one na naman ang gaga. So heto si gaga, text back naman, uyyy... take note Bestfriend a.k.a "baliw!", nagpapacute pa ko sa text... di ba halata???

Bestfriend a.k.a "baliw!", tanong ko lang: hanggang kailan ba ako magiging ganito? Yun bang aasa sayo pero di naman sigurado kung may aasahan ba talaga... Minsan gusto ko tanungin sa 'yo kung sino ba sa amin dalawa ang pipiliin mo, kung sino sa amin ang mas matimbang sa puso mo, sya ba o ako? Pero alam mo di ko magawa kasi natatakot ako e, baka di ko kakayanin, parang alam ko na kasi ang sagot... o kita mo, di lang pang-best actress beauty ko, pyschic na din!

Alala mo pa ba nung pinakita mo sa akin ang wallet mo na may picture nyong dalawa, yakap ka nga nya... *kainis* Binibiro pa nga kita noon di ba... Di mo ba napansin, bibig ko lang ang tumawa, di nga ako tumitingin sayo eh, ayoko kasing makita mong umaagos ang mga luha ko... kamag-anak ko ata ang pride fish... kung alam mo lang parang may sumuntok sa puso ko, sa sobrang sakit kala ko nga magca-cardiac arrest ako sa selos... salamat ha, kasi at least iniba mo ang usapa, di ako napahiya... your the best talaga Bestfriend

Hindi mo 'to alam, pero muntik na talagang akong bumitiw minsan, di lang natuloy pano ang lakas mo ata sa lahat, pati barkada mo nakisali narin... pero ha touched ako sa barakada mo, "wag daw kita kalimutan kahit saan man ako magpunta." Gusto kong tumawa kasi dapat ikaw ang pinagsabihan nun... faithful and loyal ata ako sa 'yo, I'm your greatest fan di ba? Ako lang ata ang taong nagtyatyagang nakikinig habang kumakannta ka, kahit minsan masakit sa tenga. Sabi nila, "mahal mo daw ako kaya lang una syang dumating kaysa sa akin at di mo daw kayang may masaktan..." Di mo sya kayang saktan pero ako kaya mong saktan? Kakaloka na ito! Pero sa huli, pano ba kita maiiwanan eh makita ko lang ang mga mata mo, pasok na ako sa bulsa mo... kumagat na naman si gaga! So here I am still, waiting and waiting and waiting... donÂ’t know until when, until forever? Misan naisip ko, mind-reader ka siguro, kasi parang lagi mo alam kung ano inisiip ko. Sana heart-reader ka rin...

Sana nga pagdating ng panahon tayo nga... di naman sguro masama ang mangarap. Pero bestfriend a.k.a "baliw!", fear not, di tlaga kita iiwan, di ba promise ko sayo yan? Malakas ka ata sa akin... Kaw lang naman ang di marunong tumupad sa usapan ah. Pero alam mo namang isang tawag mo lang, nasa tabi mo na ako, kasing bilis pa ng bullet train, hehe... Basta ha, kung wala na sya, balikan mo ako ha, dito lang ako naghihintay sayo... I LOVE YOU BF! [bestfriend a.k.a "baliw!"]
...Waiting 4 u...
...GF [GreatFriend]...
Page created: March 31st 2004 01:30 PM

kaeps
your name:

url:

your message: